MANGARAP?
Paano mangarap ang dakilang dukha?
Wika nga nila’y isang
kahig ’sang tuka
Sa masalimuot na sandaigdigan
Tanging anak-pawis nitong
sambayanan.
Paano mangarap ang taong mayaman?
Lahat ng kailanga’y
nasa paanan
Alahas, pera, damit, at mga pagkain
Samakatuwid walang
alalahanin.
Paano ba mangarap ang isang mangmang?
Di nakapag-aral
nang mataas na antas
Upang iguhit sariling kapalaran
Ngayon, bukas, sa
taun-taong daraan.
Paano mangarap ang may kapansanan?
Sa kanyang
katawan, kanyang kaisipan
Kung tutuusin, walang silbing nilalang
Bagama’t sila’y bahagin ng lipunan.
Paano ba mangarap ang mga ulila?
Walang nag-aalaga’t nag-aaruga
Maga ambisyon sa panaginip na lamang
Buong tatanggapin ang kahihinatnan.
Laging nakikintal sa puso’t
isipan …
Panahong nakalaan – ang kinabukasan
Ang mga pangarap,
maisakatuparan
Ang buong tagumpay nawa’y makakamtan
This is a site dedicated to my poetic mind and my interest to others' work in prose and poetry.
Sunday, 1 November 2009
Mangarap? (Dreaming?)
Labels:
dreaming,
filipino blog,
filipino blogger,
filipino poem,
mangarap,
pinoy blog,
pinoy blogger,
reymos,
tula
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment