Sunday, 1 November 2009

Mangarap? (Dreaming?)

MANGARAP?

Paano mangarap ang dakilang dukha?
Wika nga nila’y isang
kahig ’sang tuka
Sa masalimuot na sandaigdigan
Tanging anak-pawis nitong
sambayanan.

Paano mangarap ang taong mayaman?
Lahat ng kailanga’y
nasa paanan
Alahas, pera, damit, at mga pagkain
Samakatuwid walang
alalahanin.

Paano ba mangarap ang isang mangmang?
Di nakapag-aral
nang mataas na antas
Upang iguhit sariling kapalaran
Ngayon, bukas, sa
taun-taong daraan.

Paano mangarap ang may kapansanan?
Sa kanyang
katawan, kanyang kaisipan
Kung tutuusin, walang silbing nilalang
Bagama’t sila’y bahagin ng lipunan.

Paano ba mangarap ang mga ulila?
Walang nag-aalaga’t nag-aaruga
Maga ambisyon sa panaginip na lamang
Buong tatanggapin ang kahihinatnan.

Laging nakikintal sa puso’t
isipan …
Panahong nakalaan – ang kinabukasan
Ang mga pangarap,
maisakatuparan
Ang buong tagumpay nawa’y makakamtan

Wednesday, 29 July 2009

yesterday, today and tomorrow...

YESTERDAY is a good place to visit,
while TODAY is a better place to stay
but TOMORROW is the best place to go!

(Filipino translation)
Ang KAHAPON ay mabuting pook na puntahan,
at ang NGAYON ay lalong magandang pook na lumagi,
ngunit ang BUKAS ay mas higit na magandang pook na marating.

Wednesday, 22 July 2009

About everything...

The true rule, in determining to embrace, or reject any thing, is not whether it have any evil in it; but whether it have more of evil, than of good. There are few things wholly evil, or wholly good.Abraham Lincoln